Showing posts with label Iwa Moto. Show all posts
Showing posts with label Iwa Moto. Show all posts

Friday, May 13, 2011

Iwa Moto, nasugatan matapos magwala dahil sa galit sa ex-boyfriend

Dinala sa ospital ang Kapuso sexy star na si Iwa Moto dahil sa tinamo nitong mga sugat sa katawan matapos magwala bunga ng labis na galit sa ex-boyfriend na si Mickey Ablan.

Tanghali nitong Huwebes nang magwala si Iwa at basagin ang windshield ng isang sasakyan na sinasabing pag-aari ni Mickey.

Dahil sa ginawang pagpokpok sa windshield, nagtamo ng mga sugat sa kamay ang aktres, bukod pa sa sugat nito sa tuhod matapos umanong madapa.

Inabutan pa ni entertainment reporter Nelson Canlas si Iwa na nagsisigaw at umiiyak sa gilid ng GMA compound sa Timog Avenue, Quezon City.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras, napag-alaman na pinuntahan daw ni Mickey si Iwa sa kalagitnaan ng taping nito sa Kapuso compound.

Ilan buwan nang hiwalay ang dalawa pero nakikipagbalikan umano si Mickey sa aktres.

Dahil nasa kalagitnaan ng trabaho, pinapapaalis umano ni Iwa si Mickey na nagpipilit siyang makausap.

Nagalit si Iwa nang tangayin umano ni Mickey ang kanyang cellphone. Gusto raw kasi ng binata na makita ang mga text messages kay Iwa at malaman kung sino ang bago nitong boyfriend.

Bukod dito, may ginawa pa umanong pagbabanta si Mickey.

Pilit na hinabol ni Iwa ang dating nobyo at nang hindi abutin ay pinagbalingan ng galit ang kotse nito.

Matapos magamot sa ospital, maika-ikang bumalik sa trabaho si Iwa.

Makikipag-ugnayan umano ang aktres sa kanyang abogado at posibleng humingi siya ng proteksiyon sa mga awtoridad.

Samantala, sinisikap naman ng GMA News na makuha ang panig ni Mickey.

Source: http://www.gmanews.tv/story/220433/entertainment/iwa-moto-nasugatan-matapos-magwala-dahil-sa-galit-sa-ex-boyfriend

Tuesday, April 19, 2011

Iwa Moto(Pinay Celebrity)

Iwa Moto in Sexy Bikini





Aileen Quimado Iwamoto (岩本アイリーン) (born August 29, 1988), popularly known by her screen name Iwa Moto, is a Japanese-Filipina actress. She was one of the Final Four in the 2nd season of StarStruck, a reality-based talent search show of GMA Network in the Philippines and finished as first runner up. She is well-known for playing "Rita Acuesta" on Kung Mahawi Man Ang Ulap and "Valentina" in Darna.

Friday, March 11, 2011

Iwa Moto, Thankful sa Kanyang mga Castmates

Onscreen ay kaagaw ni Lucille ang kapatid na si Yna sa puso ni Lyndon sa Dwarfina . But offscreen, Iwa Moto is very happy to be working with both Dennis Trillo and Heart Evangelista.

Napapansin ba ni Iwa na tila package deal na sila ni Dennis, at palagi niyang inaagaw ito sa kanilang mga naging shows?

“Hindi, mahilig lang po talaga silang i-pair ako kay Dennis!” sagot niya.“Andami na nga, ano? Oo nga, andami na nga!”

Bakit kaya sa tingin niya ay paborito siyang kuning kontrabida para sa mga shows ni Dennis?

“Mukha daw po kasing inaapi ko din si Dennis. Kaya alam niyo yun, para mukhang kawawa daw si Dennis, dual-purpose daw ako e. Para kay Dennis at saka dun sa bida,” pagbibiro niya.

May nagbago ba kay Dennis mula nang nang makatrabaho ni Iwa ang binata?

“Alam mo mula nung nakilala ko siya, wala siyang pinagbago.” Paglalahad niya. “[Yung] attitude niya. Yung ugali niya nung bago pa lang ako, nung Mahawi Man Ang Ulap, sobrang bait niya sa’kin. Yung tipong, ‘O, kumain ka na ba?’ Maalaga siya. Sa lahat maalaga siya. Tapos hanggang ngayon, ganun pa rin siya. Yung iba kasi, lalo na pag naabot na talaga yung kagaya nung naabot niya, lumalaki ang ulo. Sa kanya hindi siya nagkaroon ng hydrocephalus.”

Samantala, very thankful naman siya kay Heart na nagsilbing mentor niya noong mga panahong bago pa lang siya.

“Alam mo, malaki ang naitulong sa’kin ni Heart mula nung Luna Mystika. Siya ang nagturo sa’kin na kailangan alagaan ko yung sarili ko, kailangan maging confident pa ako sa sarili ko, at the same time, kailangan maging masaya ako sa ginagawa ko. Andami kong natutunan sa kanya na alam mo yun, hindi ko akalain na makaka… Dati pinapanood ko lang siya nung bata ako, so ayun, ngayon kasama ko na siya.”

Source: http://www.igma.tv/story/7143/Iwa-Moto-thankful-sa-kanyang-mga-castmates